Libreng edukasyon sa state at local universities, ipagpapatuloy ng Marcos admin

by Radyo La Verdad | May 16, 2024 (Thursday) | 3215

METRO MANILA – Ipagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagbibigay ng libreng tertiary education sa mga kabataan sa lahat ng state colleges at universities sa bansa.

Ayon sa pangulo, naglaan ang pamahalaan ng P134-B ngayong taon para sa state colleges at universities upang maraming mga estudyante ang makinabang sa libreng edukasyon.

Dagdag nito, marami pa aniyang dapat gawin upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Tags: ,