Libo libong Iraqis, nagprotesta upang hilingin na putulin na rin ang ugnayan sa Saudi Arabia

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 1405
Baghdad, Iraq(REUTERS)
Baghdad, Iraq(REUTERS)

Libo libong Iraqis ang nagprotesta sa Central Baghdad upang hilingin sa gobyerno na putulin na ang ugnayan nila sa Riyadh.

Ayon sa mga Shi’ite Demonstrator nais rin nila na alisin na sa pwesto ang mga pulitiko sa bansa na may kaugnayan umano sa islamic state.

Nagsimula ang hidwaan ng Iran at mga kaalyadong bansa sa Saudi Arabia matapos na bitayin ang Shiite Cleric na si Nimr Al Nimr.

Pinutol ng Saudi Arabia at ng mga kaalyado nitong bansa ang diplomatic relation sa Iran matapos ang pang-aatake sa Saudi Embassy sa Tehran.

Siniguro naman ni Iraqi Foreign Minister Ibrahim Al-Jaafari na nasa ligtas na kalagayan ang mga empleyado ng embahada ng Saudi sa Baghdad.

Tags: , , ,