Mahigit 1, 000 ektarya ng palayan na ang natuyo dito sa Bicol region dahil sa matinding tag init na nararanasan sa bansa sanhi ng el niño phenomenon.
Ayon sa Department of Agriculture katumbas ito ng mahigit P59-milyon pinsala sa mga pananim.
Kabilang sa mga pinakaapektadong lugar ay ang lalawigan ng Camarines Sur at Masbate.
Mahigit 700 magsasaka na ang nalugi dahil sa pagkatuyo ng kanilang mga pananim.
Dahil dito inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang ilang proyekto upang matulungan ang mga magsasaka.
Kabilang na dito ang pagbibigay ng mga binhi ng bigas na hindi kinakailangan ng maraming tubig upang mabuhay at lumaki.
Magtuturo rin ang Department of Agriculture sa mga magsasaka na magtanim ng ibang uri ng pananim sa kanilang lupain na mas mabubuhay sa mainit na panahon
Samantala kahapon nakaranas na ang buong bicol ng malakas na pagulan na malaking bagay umano para makatulong sa pangangailangang tubig ng mga magsasaka para sa kanilang palayan.(Allan Manansala/UNTV Correspondent)
Tags: BICOL REGION, PALAYAN