PCInsp. Espenido, walang espesyal na misyon sa Bicol Region – PNP Chief

by Radyo La Verdad | October 16, 2018 (Tuesday) | 8231

Walang ibinigay na special mission kay Police Chief Superintendent Jovie Espenido sa Bicol Region ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde.

Ayon kay Albayalde, inilipat sa Bicol simula noong ika-11 ng Oktubre bilang bahagi ng proseso para siya ay mapromote sa ranggong police superintendent.

Dagdag pa ng heneral, gaya ng ibang opisyal ng pulis, ang tanging bilin kay Espinido ay gampanang mabuti ang kaniyang trabaho. Aniya, hindi naman dapat katakutan sa isang lugar si Espenido.

Dagdag pa ni Albayalde, kung may pagmamalabis o pang-aabuso na ginagawa ang mga pulis ay iniimbestigahan ito ng pamunuan ng PNP at kinakasuhan kung mapatutunayan.

Si Espenido ang chief of police sa Ozamiz City ng mapatay sa raid sina Mayor Reynaldo “ Aldong “ Parojinog at siya rin ang hepe ng Albuera, Leyte noong mapatay si Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng kulungan.

Ang dalawang alkalde ay parehong nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,