Nagsagawa ng internal survey ang Liberal Party para sa pagka-Presidente sa 2016.
Sa 1,200 respondents, nanguna sa survey si DILG Secretary Mar Roxas na nakakuha ng 53-percent; 37% si Vice President Jejomar Binay samantalang 10% ang undecided.
Ayon kay Caloocan Congressman Egay Erice, isinagawa ang survey pagkatapos na i-endorso ni Pangulong Benigno Aquino the third si Sec. Roxas.
Sinabi rin ni Erice na hindi nila isinama sa survey ang mga kandidatong hindi pa nagpapahayag ng paglahok sa 2016 National Elections.
Ayon naman sa oposisyon, karapatan ng LP na gumawa ng sariling surve. ( Grace Casin / UNTV News)