Dating Pangulong Aquino, itinaggi na may plano ang LP na patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | September 26, 2018 (Wednesday) | 17154

Itinanggi ni dating Pangulong Benigno Aquino III na may nilulutong plano ang Liberal Party (LP) para patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi rin umano totoo ang mga akusasyon na nakikipagsabwatan sa Comunist Party of the Philippines (CPP) laban sa Pangulo ang LP.

Ayon kay Aquino, kailanman ay hindi siya sasama sa mga tao at rebeldeng grupo na nagpahirap sa mga Pilipino.

Hamon ni Aquino sa mga nag-aakusa, patunayan ang kanilang mga alegasyon.

Tags: , ,