Bukod sa pagiging kontrobersyal, si Pangulong Rodrigo Duterte na yata ang pinakasikat na naging pangulo ng Pilipinas.
Kahit na napakarami nitong kritiko, hindi maikakaila na marami ang humahanga sa kaniyang mga polisiya. katunayan dito sa taiwan, isang city council candidate ang isinama pa si Pangulong Duterte sa pangangampanya.
Si Ren Chi Chen ay tumatakbong city council representative ng Hualien City, isang siyudad sa East Coast ng Taiwan na may 230,000 na mamamayan.
Aniya, ginamit niya ang larawan sa kanyang campaign ad dahil sa kilala si Presidente Duterte sa pagsusulong ng kampaniya kontra iligal na droga.
Ayon kay Chen, sa pamamagitan nito ay mas maipapaalam niya sa mga mamamayan ng taiwan ang masamang idudulot ng ipinagbabawal na gamot sa buhay ng tao.
Sang-ayon naman ang ilang Taiwanese sa campaign ad ni Chen at sa war on drugs ni Pangulong Duterte.
Kung manalo sa darating na local election sa Taiwan sa Nobyembre, ipatutupad ni Chen ang plataporma laban sa ipinagbabawal na gamot.
Masaya naman ng Malakanyang ang balitang ito at sinabing nakakatuwa na kahit sa ibang bansa ay narerecognize ang campaign value ng Pangulo.
( Amiel Pascual / UNTV Correspondent )
Tags: Pres. Duterte, Ren Chi Chen, Taiwan