Lanao Del Sur at Bacolod City, inilagay sa MECQ simula September 8-30, 2020

by Erika Endraca | September 8, 2020 (Tuesday) | 22361

METRO MANILA – Aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni National Task Force (NTF) Chief Implementer Carlito Galvez na ilagay sa mas mahigpit na quarantine restrictions ang Lanao Del Sur at Bacolod City dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases.

Mula sa Modified General Community Quarantine (MGCQ), sasailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Lanao Del Sur samantalang mula General Community Quarantine (GCQ), MECQ na rin sa Bacolod City mula ngayong araw (September 8) hanggang sa katapusan ng Setyembre (30).

“Based on the recommendation of the NTF and also with consultation with the mayor of Bacolod City, the cases of Bacolod City is much higher than Iligan City who is also on MECQ.” Ani National Task Force Vs Covid-19 Chief Implementer, Sec. Carlito Galvez.

Liban sa 2 , nasa ilalim din ng MECQ ang Iligan City hanggang September 30.

Binabantayan din ng pamahalaan ngayon ang mga kaso sa General Santos City na balak ding personal na puntahan ng ilang miyembro ng gabinete sa susunod na Linggo.

Samantala, naniniwala naman si Pangulong Duterte na na-flatten na ang curve ng COVID-19 cases sa bansa at malaki ang naitulong ng pagsunod ng mga tao sa health measures na ipinatutupad ng gobyerno.

Gayunman, pinayuhan niya ang publiko na manatiling alerto, sundin ang health protocols at mag-ingat laban sa COVID-19 transmission.

“Remember that the lessening of contamination wala na masyadong tao nagkaroon ng COVID is not because COVID-19, the germ, is gone. It is there floating around us. Kaya lang ang mga tao sumunod na. Hindi humawak, alcohol kaagad. The mask was one important factor.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV NEWS)

Tags: , ,