Labi ng OFW na nilagay sa freezer sa Kuwait, parating na sa bansa

by Radyo La Verdad | February 16, 2018 (Friday) | 2620

Lulan ng Gulf Air Flight GF154 ang labi at inaasahan lalapag bandang alas diyes ng umaga. Si Demafelis ang OFW na natagpuan kamakailan na wala ng buhay sa freezer ng isang apartment sa Kuwait. Hinihinalang minaltrato at pinatay ng kanyang amo si Demafelis noon pang November 2016.

Isa ito sa mga nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng deployment ban sa Kuwait.

Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, tinutugis na ng gobyerno ng Kuwait ang mga suspek na pumunta ng Lebanon matapos ang pamamaslang.

Nagawa pa umanong magreport ng mga suspek sa immigration na tumakas si Demafelis sa kanilang poder upang pagtakpan ang krimen.

Pagkarating ng labi ni Demafelis sa NAIA ay nakatakda naman itong dalhin sa Iloilo bukas. Isasakay ito sa Philippine Airlines Flight PR 2139 na inaasahang umalis ng naia bukas ng alas kwatro y media ng madaling araw.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,