Kuwaiti government, kinuwestyon ang ginawang pagsagip ng embahada ng Pilipinas sa ilang OFW sa Kuwait

by Radyo La Verdad | April 24, 2018 (Tuesday) | 2317

Tatlong beses na ipinatawag ng Ministry of Foreign Affairs ng Kuwaiti government si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa.

Kaugnay ito ng ginawang pagsagip ng Philippine diplomatic staff sa mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Kuwait.

Ayon kay Secretary of Foreign Affairs Alan Peter Cayetano, kinuwestyon ng Kuwaiti government ang ginawa ng embahada na tila paglabag sa batas at sistema ng Kuwait.

Pero depensa ni Cayetano, kailangang i-rescue ang naturang mga OFW dahil sa banta sa kaligtasan.

Aniya, nakipag-ugnayan naman ang embahada sa local authorities sa Kuwait bago ginawa ang rescue operation.

Naniniwala naman si Cayetano na maaayos na ang hindi pagkakaunawaan na idinulot ng insidente.

Umaasa naman ang Malacañang na hindi makakaapekto ang insidente sa isinusulong na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa para sa kapakanan ng mga OFW.

Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung tuloy ang pagbisita nito sa Kuwait.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,