Korean Embassy, pumayag na sa Korean mafia investigation ng NBI

by Radyo La Verdad | February 27, 2017 (Monday) | 1326


Nagbigay na ng go signal ang South Korean Embassy sa NBI upang imbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng Korean mafia sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, pumayag si Korean Ambassador Kim Jae Shin na imbestigahan ang pagkakadawit ng sindikato matapos niya itong bigyan ng confidential information sa kaso.

Ipinaliwanag din niya rito na bilang Secretary of Justice ay obligasyon niyang imbestigahan ang lahat ng posibleng anggulo sa Jee kidnap slay.

Dati nang itinanggi ng Korean embassy na may sangkot na sindikato ng mga Koreano sa pagdukot at pagpatay sa biktima.

Tags: , ,