Konstruksyon ng Mega Modular hospital sa Mandaluyong, nagsimula na

by Erika Endraca | April 30, 2021 (Friday) | 5966

CALOOCAN CITY- Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng Mega Modular Hospital Project sa National Center for Mental Health (NCMH) compound.

Base sa inihandang disenyo ng DPWH Task Force for Augmentation of Local/National Health Facilities, binubuo ng 11 cluster units ang naturang pasilidad sa Mandaluyong City.

Walo rito ang gagawing modular hospital na may 22 airconditioned rooms kada unit o kayang makapag-accommodate ng 176 na pasiyente.

Samantala, 3 cluster units naman ng off-site dormitories ang inilaan para sa hospital personnel at mga medical frontliner.

“We initiated the construction of the additional pop-up hospital to further augment the country’s healthcare facilities and ensure care is not hampered for COVID-19 patients and to protect the welfare of the Filipino people,” ani DPWH Secretary Mark Villar.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: