Kongresistang dating sundalo, duda sa nilalaman ng MILF report

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 5752

IMAGE_MAR252015_UNTV-News_MAGDALO_GARY-ALEJANO (1)

Kuwestiyonable para kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang report ng MILF sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 na SAF commandos noong January 25.

Ilang punto sa report ang hindi pinaniniwalaan ng kongresista na dati ay sundalo at nakipaglaban noon sa mga rebeldeng grupo sa Mamasapano, Maguindanao.

Aniya maliit lang ang Mamasapano at imposibleng hindi kilala ng mga taga roon si Marwan at Basit Usman.

Ayon din kay Alejano maraming inconsistency sa mga pahayag ng MILF na kaaway nila ang BIFF at isa na rito ang sinabi sa report na nakita nila ang BIFF sa lugar ng engkwentro noong January 25.

Pangamba rin ng kongresista na miyembro ng AD HOC Committee on the Bangsamoro na posibleng malagay sa alanganin ang Bangsamoro Basic Law.

Ito ay kung magmamatigas ang MILF na huwag isuko ang kanilang mga tauhan na kakasuhan ng DOJ. ( Grace Casin / UNTV News Senior Correspondent )

Tags: , , ,