PNP, nais na muling makibahagi sa Balikatan exercises

by Radyo La Verdad | July 19, 2018 (Thursday) | 6776

Personal na sinaksihan ni Philippine National Police chief police Director General Oscar Albayalde ang pagpapasimula ng Special Action Force (SAF) commando course classes 81-84 ngayong taon.

Nasa 508 na mga nagnanais maging SAF commandos ang maagang sumailalim sa intense physical activities kaninang umaga sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna.

Ayon kay PNP Chief Police Dir. General Oscar Albayalde, ito ay bahagi lamang ng hiling ng Pangulo na karagdagang pwersa sakaling may sumiklab muli na gera.

Ayon naman kay PNP SAF Director Police Director Noli Taliño, mas dinagdagan nila ang mga ituturo sa commando dahil na rin sa pangyayari noon sa Marawi.

Kasabay nito ay ipinahayag ni Gen. Albayalde na nais niya na makasamang muli ang SAF commandos sa mga Balikatan exercise.

Nasa anim hanggang walong buwan naman ang bubunuin ng mga bagong commando sa SAF Academy bago ito maideploy.

 

( Benedict Samson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,