Koneksyon sa internet, problema pa rin ng mga mag-aaral at guro sa ika-2 taon ng distance learning

by Erika Endraca | September 14, 2021 (Tuesday) | 12089

METRO MANILA – Problema sa internet connection ang isa sa pangunahing naging problema nga mga estudyante at guro sa opening ng school year 2021-2022 kahapon (September 13).

Aabot sa 24.6 million na mga estudyante mula kinder hanggang senior highschool sa mga pampublikong paaralan ang nagbalik-eskwela kahapon.

Samantala, bamaga’t may ilang namumroblema parin sa internet connection ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan II, mas naging maayos naman ito kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon.

Liban rin aniya sa ilang pasilidad at public places, kasama ang mga public school sa bansa sa kanilang programa na free public internet access

“This year in support of ongoing fight against COVID-19 the programs implementation has been intensified. Educational facilities are likewise prioritized with 1,585 public elementary and secondary schools already connected through the program in consideration of the increased demand for online and distance learning modalities it is the areas with little to know connectivity options however that are vital to program rollout.” ani kay DICT Secretary Gregorio Honasan II

Ayon sa DepEd may nakalaan ding pondo para cellphone load allowance para sa internet connection ng mga guro.

Bagama’t may ilang aberya, ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maituturing pa rin na matagumpay ang pagbubukas ng panibagong school year sa kabila ng pandemya.

“Last year I declared victory with the opening of classes on October 5 2020. Today September 13, 2021, DepEd and the rest of the country celebrates with great joy, a success in opening classes for the second year in the time of COVID-19.” ani DepEd Sec. Leonor Briones.

Samantala, wala pa ring go signal si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng panukalang pagkaroon na ng limited face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang banta ng COVID-19 infections.

Subalit ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, positibo ang naging reaksyon ng punong ehekutibo ng pag-usapan ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kasama si Education Secretary Leonor Briones.

Dagdag pa ng kalihim, limitado lamang sa 150 paaralan ang kabilang sa proposed pilot schools para sa in-person learning at sa mga lugar na kakaunti lamang ang kaso ng COVID-19.

“Positive po ang reaction niya pero wala pa pong go signal. So kumbaga, naghahanda po tayo sa pilot, pero wala pang actual go signal.” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: , ,