Koneksyon ng Ninja Cops sa tinaguriang Drug Queen sa Maynila, isinapubliko ng NCRPO

by Erika Endraca | September 25, 2019 (Wednesday) | 10980

MANILA, Philippines – Lumalabas na isang dating Barangay Chairwoman sa Sampaloc Maynila ang tinaguriang Drug Queen base sa link diagram na ginawa ng National Capital Region Office (NCRPO).

Konektado umano ang naturang Drug Queen sa Ninja Cops at sa pito pang personalidad. Kontak din ng ninja cops ang asawa nito na dati ring chairperson sa Sampaloc Manila.

Ayon kay NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar, matagal nang nasa ibang bansa ang Drug Queen habang nasa Pilipinas naman ang asawa at kapatid nito na dating pulis.

“Pag natanggal natin yung mga galamay nya ay titigil na rin yan, hindi man sya napangalanan pero lahat ay makakahula kung sino sya” ani NCRPO Director, PMGen. Guillermo Eleazar .

Police Chief Master Sergeant ang pinakamataas na ranggo sa 7 nasa listahan din ng PDEA, 5 ang Patrolman at isang unidentified. Ayon pa kay Eleazar, kabilang sa 5 Patrolman ang pulis na kapatid ni “Drug Queen” na na-dismiss na sa serbisyo.

Kabilang din sa diagram ang 11 umanoy orihinal na Ninja Cops, 7 dito ang namatay na, kabilang ang Police Major na syang may pinakamataas na ranggo.

Police Staff Sergeant naman ang ranggo ng founder ng Ninja Cops na ngayon umano ay nagretiro na sa serbisyo. Awol naman ang isang police sergeant at isang Patrolman. Nakakulong naman si PCpl. Jolly aliangan matapos ang operasyon ng nbi sa Sampaloc Maynila.

Sinabi pa ni Eleazar na bukod kay Drug Queen na incumbent chairwoman sa Sampaloc Manila ay kontak din ng Ninja Cops ang asawa nito na dating chairperson din sa Sampaloc Manila.

Ayon pa kay Eleazar, matagal nang nasa ibang bansa si Drug Queen habang nasa Pilipinas naman ang asawa at kapatid nito na dating pulis.

Pinulong naman ni Eleazar ang 44 na hepe ng Drug Enforcement unit sa Metro Manila at binalaan ang mga ito na ipatutupad nya ang one strike policy sa mga mahuhuli at mapatutunayang kabilang sa nagre-recycle ng illegal na droga.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,