Kiosks sa mga mall para sa license renewal, ipalalagay ng LTO

by Radyo La Verdad | March 29, 2019 (Friday) | 7057

METRO MANILA, Philippines – Maglalagay ng self-help kiosks ang Land Transportation Office (LTO) sa iba’t-ibang mga mall sa bansa para sa mas mabilis na pagre-renew ng driver’s license.

Sa pamamagitan nito, hindi na kinakailangang pumunta ng personal ng isang driver sa mga opisina ng LTO upang makapag-renew ng lisensya.

Mayroon itong biometrics at face detection para mas mapabilis ang transaksyon.

Malalaman din dito kung mayroong violation ang isang driver na kailangan munang i-settle.

Maaaring ipadala ng LTO ang kanilang mga lisensya sa pamamagitan ng courier service sa rehistradong address ng motorista o kaya naman ay personal na kunin sa kanilang opisina.

Sisimulan ng LTO ang paglalagay sa mga mall ng self-help kiosks sa susunod na buwan.

Tags: , , ,