Kidnapping incident sa Samal Island, isolated case lamang ayon sa pamunuan ng PNP

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 1758

PNP-CHIEF-MARQUEZ
Hindi pa rin matukoy sa ngayon ng pambansang pulisya kung aling grupo ang nasa likod ng kidnapping sa Samal Island Davao del Norte.

Gayunpaman sinabi ni PNP Chief P/Dir.Gen. Ricardo Marquez, isolated case lamang ito dahil ito ang unang pagkakataon na may nangyaring kidnaping sa lugar.

Gayunman, sinabi ng Heneral na dapat itong pagtuunan ng pansin dahil may epekto ito sa reputasyon ng bansa lalo na at tatlo sa apat na dinukot ay pawang mga dayuhan.

Bunsod nito, pinagtutulungan na ng AFP at PNP ang paghahanap sa mga kidnap victim.

Nire-review na rin ng mga imbestigador ang cctv footage upang makita ang itsura ng mga kidnappers

Sa kabila nito, sinabi ni Gen. Marquez na wala namang mga bansa ang nag cancel ng kanilang partisipasyon sa APEC Summit sa Nobyembre bunsod ng insidente ng kidnapping.

Tiniyak din ng pamunuan ng PNP na hindi naman dapat na mag alala ang mga delegado na magtutungo sa bansa para sa APEC Summit dahil sisiguruhin nilang ligtas ang lahat ng lugar na pupuntahan ng mga ito. ( Lea Ylagan/ UNTV News)

Tags: , ,