Kasunduan para mapabilis ang release ng Saudi claims ng OFWs, nilagdaan na

by Erika Endraca | March 4, 2024 (Monday) | 4215

METRO MANILA – Nilagdaan na nitong Sabado March 2 ng Department of Migrant Workers (DMW), Landbank of the Philippines at Overseas Filipino bank ang isang kasunduan para mapabilis ang release ng Saudi claims ng Overseas Filipino Workers (OFW’s).

Sa pamamagitan ng naturang hakbang, mapabibilis ang proseso ng mga cheke mula sa gobyerno ng Saudi Arabia para sa hindi nabayarang sahod, benepisyo, at iba pang hinaing ng mga displaced OFW na nawalan ng trabaho matapos ma-bankrupt ang kanilang mga kumpanya sa nasabing bansa noong 2015 at 2016.

Nabuo ang nasabing kasunduan kasunod ng nangyaring sideline meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kay Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman sa isinagawang ASEAN leaders summit sa Bangkok, Thailand noong nakaraang taon.

Tags: ,