Kasunduan na may kaugnayan sa ekonomiya, humanitarian at environmental cooperation, nilagdaan ng Pilipinas at Monaco

by Radyo La Verdad | April 8, 2016 (Friday) | 3018

Monaco-Prince-Albert-II
Malugod na tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III si Monaco Prince Albert II at ang kaniyang delagasyon sa palasyo ng Malakanyang kahapon.

Ito ay bahagi ng 2-day official visit ng Prisipe ng Monaco sa Pilipinas

Dito nagkaroon ng pagpupulong ang dalawang lider ng bansa.

Pagkatapos nito ay ilang framework agreement for cooperation ang nilagdaan ng dalawang bansa na may kaugnayan sa ekonomiya, scientific, humanitarian at disaster risk reduction and management at environmental cooperation.

Pinasalamatan rin ni Pangulong Aquino ang Sovereign Prince dahil sa pagtulong ng Monaco sa Pilipinas lalo na kapag may kalamidad.

Si Prince Albert ay kilalang advocate ng environmental protection.

Ito ang kaniyang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas bilang head of state.

Pagbisita sa pagbisita sa Malakanyang, agad na tutungo sa Palawan si Prince Albert upang bisitahin ang Tubbataha Reefs National Park na ayon sa Principe ay may extra ordinary marine biodiversity na marapat protektahan sa lahat ng paraan.

Ang pagbisita ng Monaco Prince ay kasabay na rin ng pagdiriwang ngayon ng ika-sampung anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng Monaco at Pilipinas.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,