Tiniyak ng Malacañang na hindi makakahadlang sa operasyon ng National Prining Office o NPO ang pagdismiss ng Office of the Ombudsman sa ilang opisyal nito noong nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nakahanda na ang naturang ahensya para tanggapin ang huling job order ng COMELEC na nakatakda sa February 8 para sa pagimprenta ng mga balota para sa National Elections.
Kung matatandaan aniya, nagawang ma-i- deliver ng NPO ng mas maaga sa deadline ang 52 million na offical ballots noong 2013 elections.
Dahil na rin aniya sa operational efficency, nakatipid ng P230M ang ahensya na mas mababa kaysa sa estimated budget para dito.
Ang P35M aniyang natipid dito ay nagamit naman ng COMELEC sa pagimprenta ng balota para sa Barangay Elections noong 2013.
Noong August 2015, dinismiss ng Ombudsman sina NPO acting Dir. Emmanuel Andaya, Bids and Awards Committee o BAC Chairman Sylvia Banda at apat pang tauhan nito dahil sa anomalya sa pabili ng printing services na nagkakahalaga ng P1.9M.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang resolusyon ng Ombudsman sa inihain nitong motions for reconsideration.
Ang NPO ay isang attached agency ng Presidential Communications Office.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: 2016 elections, Malakanyang, mga opisyal, National Printing Office