Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, posibleng umabot pa sa 30,000 sa katapusan ng Setyemre – Octa Research team

by Erika Endraca | September 13, 2021 (Monday) | 4412

METRO MANILA – Inilarawan ng Octa Research Team na Stagnant ang growth rate ngayon sa National Capital Region.

Ibig sabihin nananatiling mataas ang naitatalang kaso dahil sa patuloy na hawaan.

Sa ngayon ay nasa 19% ito na sobrang mataas sa less than 1% na pamantayan ng World Health Organization (WHO) para masabing pababa na ang kaso.

Ang reproduction number naman sa ngayon ng NCR ay nasa 1.42.

Ibig sabihin, mahigit sa 1 ang posibleng mahawa ng isang positibo ng COVID-19.

Ayon pa sa Octa Team, sa mga susunod na Linggo hindi bababa sa 10,000 ang average na daily cases sa National Capital Region.

At sa katapusan ng Setyembre, posibleng pumalo sa 30,00) cases ang maitatalang bagong COVID-19 cases sa bansa kapag hindi ito napababa.

“We will get more cases hindi pa ito ang peak we will see more cases within in the next week, maybe by until next next week, so we will really need to reduce the cases it is too high right now “ ani Octa Research Team Fellow, Prof Guido David.

Ayon sa Octa, kailangang magpatupad ang pamahalaan ng ibang mga intervention upang mapababa ang COVID-19 cases at hindi lalong magluwag pa ng quarantine restriction sa bansa.

Ayon sa Octa Team ang Pilipinas na lang at singapore ang dalawang bansa sa asya na patuloy ngayon ang pagtaas ng kaso.

Bagaman mas mataas ang average daily attack rate o adar ng Malaysia, Thailand at Sri Lanka.

Posibleng mahigitan ito ng Pilipinas sa mga darating na linggo kapag naabot na ang peak ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ang adar ay ang bilang ng mga bagong kasong naitatala sa isang lugar sa loob ng 2 linggo divided sa populasyon ng naturang lugar.

“Right now we are higher than India and Indonesia, Pakistan and Bangladesh, sila they are at a low risk classification na sila. Iyong sa Thailand kasi pababa na siya e so definitely since pataas pa tayo maabutan natin iyan, Sri Lanka Thailand sila pababa tayo pataas.

Samantala, mula sa 26,303 na kaso noong Sabado bumaba sa 21,411 ang naitalang COVID-19 cases sa bansa kahapon nguni’t limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng ulat sa DOH.

Umabot na rin sa mahigit 35,000 ang death cases sa Pilipinas . Ang COVID-19 recoveries sa bansa umabot na sa 2 million mark o nasa 2,010, 271

“Iko-consider talaga ang health care utilization rate. Kailangan ho, mas mataas po sa—mas mababa sa 70 percent. Ito yung 70 percent patas kasi ang high risk to critical level. Pagbabasihan din yung pagbaba o pagtaas aggressively ng numero ng mga cases at yung adar, yung average daily attack rate.” ani DILG Usec. Epimaco Densing.

Inaasahang aaprubahan ng IATF ang bagong guidelines ng alert level system ngayong araw (September 13).

Nakatakda namang magsimula ang pilot testing ng bagong polisiya sa NCR sa huwebes, September 16.

Kaugnay nito, nagkasundo naman ang Metro Manila mayors na isa lang ang ipatutupad na alert level sa buong rehiyon.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,