Kaso ng birth defects dala ng Zika virus posibleng kumalat sa Asia at Africa-WHO

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 3161
World Health Organization(REUTERS)
World Health Organization(REUTERS)

Nagbabala ang World Health Organization o WHO na posibleng kumalat narin sa Asia at Africa ang mga kaso ng birth defects dahil sa mosquito borne Zika virus.

Ayon sa WHO, ito ay sa dahilang pinakamtaas sa dalawang kontinente ang birthrates sa buong mundo.

Sa ngayon umano ay kulang pa ang mga isinasagawang diagnostic test upang madetect ang Zika sa mga buntis.

Marami ring mga buntis na na- exposed sa virus ang hindi pa nada-diagnose sa ngayon.

Samantala nagbigay naman ng payo ang unicef upang maiwasan na madapuan ng Zika virus.

Tags: , , ,