Kasalukuyang infrastructure projects, tiniyak ng Malacañang na hindi maantala kapag nagpalit ng administrasyon

by Radyo La Verdad | January 6, 2016 (Wednesday) | 1458

JERICO_COLOMA
Tiniyak ng Malacañang na ‘hindi apektado’ ang mga kasalukuyang infrastructure projects kapag nagpalit na ng administrasyon pagkatapos ng 2016 National Elections.

Ito ay gaya ng Skyway 3 at NAIA Expressway at bukod pa sa ibang proyekto ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Colomo Jr., ‘hindi basta basta maisasantabi’ ang naturang mga proyekto dahil may mga nakakontratang mga contractor dito na aniya ay respetado at may reputasyon sa industriya.

Mayroon na rin aniyang nakatakdang project implementation schedule ang mga ito.

Nailatag na rin aniya ang multi-year obligation agreements higgil dito na nagtitiyak na ang commitment ng gobyerno ay lampas sa iisang budget year na makakasustine sa buong implementation period.

Kumpiyansa rin aniya ang pamahalaan na ang mga inaprubahang kontrata ng pamahalaan ay papasa sa legal scrutiny.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,