Karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, dapat igiit kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 taon Araw ng Kasarinlan

by Radyo La Verdad | June 12, 2018 (Tuesday) | 9931

Ngayong pinagdiriwang ng Pilipinas ang ika-isandaan at dalawampung taon ng Araw ng Kasarinlan.

Binigyang-diin ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na ang Pilipinas ang may exclusive economic zone sa South China Sea base sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Ito ay kasunod na rin ng mga ulat na mismong mga Pilipinong mangingisda ay pinagtatabuyan ng mga Tsino sa sarili nating teritoryo.

Ayon sa pangalawang pangulo, nanalo na ang Pilipinas sa pinag-aagawang terirtoyo kaya hindi na dapat pang payagan ang bansang Tsina na angkinin ito.

Ikinatatakot naman ni dating Solicitor General Florin Hilbay na baka mabaon nalang sa limot ang karapatang ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil sa tila pakikipagkaibigan pa ng kasalukuyang administrasyon sa bansang Tsina.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,