Karanasan ng Pilipinas sa mga kalamidad, ibabahagi ni Pangulong Aquino climate change conference sa Paris

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 2650

NOYNOY-AQUINO
Magsisimula na ngayong lunes sa France hanggang December 11 ang 21st Conférence of the Parties o COP21 na dinaluhan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang COP21 ay pulong ng mga head of state upang palawigin ang kasunduan sa paglaban sa lumalalang climate change sa mundo.

Nakatakda ring magsalita si Pangulong Aquino sa climate vulnerable forum sa Paris, isa sa mga high level event ng COP21.

Inaasahang makikipagpulong si Pangulong Aquino kay French President Francois Hollande at U-N Secretary General Ban Ki-Moon sa Parc des Exposition.

Ala-sais ng gabi oras sa pilipinas ay dadalo ang Pangulo sa opening ceremony ng leaders event sa 21st Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change o COP21.

Maliban sa climate change conference sasamantalahin rin ng pangulo na makipag-usap sa mga kilalang kompanya dito upang ipagmamalaki ang mas maaliwalas na pagnenegosyo sa ating bansa

Hindi rin palalampasin ng Pangulong Aquino ang pagkakataong makamusta ang ating mga kababayan sa Paris.

Pagkatapos ng conference sa Paris ay tutungo ang Pangulo sa Rome Italy para sa official meeting kay Italian President Sergio Mattarella

Dahil sa malaking event na ito ay mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa buong Paris, mahigit 2,800 ang idineploy na police personnel sa conference venue sa Le Bourget, ito ay upang maiwasang maulit ang terror attack sa bansa dalawang linggo na ang nakakaraan. (Piching Viscarra/UNTV News)

Tags: , ,