Truck attack sa France, tinawag na terror assault ni French President Francois Hollande

by Radyo La Verdad | July 15, 2016 (Friday) | 3324
French President Francois Hollande(REUTERS)

French President Francois Hollande(REUTERS)

Kinondena ni French President Francois Hollande ang truck attack na naganap sa Nice, France.

Umaabot na sa walumpu ang nasawi habang ginagamot sa mga ospital ang mahigit isandaang sugatan.

Sinadyang sagasaan ng driver truck ang mga taong nanonood ng fireworks display sa pagdiriwang ng Bastille Day o Independence day ng bansa.

Ayon sa mga saksi nakipagpalitan pa ng putok sa mga pulis ang driver ng truck bago ito napatay.

Natagpuan sa loob ng truck ang mga baril, bala at ilang explosive devices.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa truck attack.

Tags: , ,