METRO MANILA – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P1.5-B na halaga ng calamity funds para sa mga lokal na pamahalaan na naapektuhan ng mga nakalipas na bagyo.
25 Local Government Units ang pagkakalooban ng pondo kabilang na ang mga lungsod ng Marikina at Maynila.
Bukod pa ito sa naunang P1.-B na halaga ng alokasyong naipagkaloob na sa ilang probinsya sa Bicol at Calabarzon regions.
“Taliwas sa mga sinasabi ng mga kritiko, sa panahon ng kalamidad at sakuna, walang pinipili at di namumultika ang administrasyong duterte. Maliwanag pa sa sikat ng araw, lahat ay pantay-pantay, lahat ay mabibigyan, kaalyado man o hindi, bumuto man o hindi” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Tags: calamity fund