Kampo ni VP Robredo, pinanindigan ang mga pahayag sa media kaugnay ng VP poll recount

by Radyo La Verdad | June 27, 2018 (Wednesday) | 2860

Nanindigan ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa mga naging pahayag ng pangalawang pangulo at ng mga abogado nito kaugnay ng isinasagawang Vice Presidential vote recount sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ito’y matapos desisyunan ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa en banc session kahapon na pagmultahin ng limampung libong piso ang parehong kampo ni Robredo at dating senador Bongbong Marcos dahil sa paglabag sa subjudice rule.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, ang umano’y mga kasinungalingan ng kampo ni Marcos ang naghikayat sa kanila na magsalita ukol sa isinasagawang bilangan.

Para naman sa kampo ni Marcos, wala pa silang natatanggap na kopya ng resolusyon ngunit handa silang sumunod sa utos ng tribunal bilang pagrespeto sa desisyon nito.

 

Tags: , ,