Kampo ni Sen Grace Poe pinapasagot ng Senate Electoral Tribunal sa inihaing motion for reconsideration ni Rizalito David

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 2748

SENADOR-GRACE-POE
Hanggang sa martes sa susunod na linggo ang palugit ng Senate Electoral Tribunal upang sagutin ni Senador Grace Poe ang inihaing motion for reconsideration ni Rizalito David.

Kaugnay ito ng pagdismiss sa petition ni David na madiskwalipika si Senador Grace Poe dahil hindi umano ito natural born citizen ng Pilipnas.

Ayon naman kay Sen. Grace Poe, handa silang sumagot sa inihaing mosyon ni David at kumpyansang mananatili ang naunang desisyon ng tribunal sa kaso.

Samantala, walang pag-aalinlangan si dating DILG Secretary Mar Roxas pa rin ang kandidato ng administrasyon sa 2016 presidential election.

Ito ang sagot ni Budget Secretary Butch Abad sa tanong kung bakit bumotong pabor si Senador Bam Aquino na pinsang buo ni Pangulong Benigno Aquino the third kay Presidential candidate Grace Poe sa inihaing disqualification case sa Senate Electoral Tribunal.

Ayon kay Secretary Abad, si Toxas ang pinaniniwalaan ni Pangulong Aquino na magpapatuloy ng kanyang mga programa.

Una ng sinabi ni Senador Aquino na hindi pulitika ang dahilan ng kanyang pagbotong pabor kay Poe kundi ang nakasaad sa International Law ukol sa mga foundling. (Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , , , ,