Kampo ni President-elect Duterte, dumipensa sa isyu ng “media killings” remarks

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 3795

MAYOR-DUTERTE
Hindi nagi-endorso si President-elect Rodrigo Duterte ng pagpatay sa mga journalist.

Ito ang binigyang diin ni incoming Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng pagtuligsa ng ilan sa sinabi ni Duterte noong nakaraang briefing kaugnay ng isyu sa media killing.

Ayon kay Panelo, polisiya nga ng incoming president ang paglaban sa kriminalidad at laban sa illegal na droga na siyang dahilan kaya tumakbo sila bilang pangulo ng bansa.

Dagdag ni Panelo, suportado ni duterte ang pagbibigay ng proteksyon sa mga mamamahayag at sa karapatan nito na magbigay ng opinyon sa ibat ibang mga isyu.

Ayon naman sa Transition Team Spokesman Peter Lavina, dapat makita na ang naging pahayag ni Duterte ay magsilbing paalala o mensahe na may umiiral rin na korapsyon sa mass media kung saan ito ay nakita na anya ng incoming president sa nakaraang eleksyon sa ilang lumalabas na balita na binibigyang daan ang mga black propaganda.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,