METRO MANILA – Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga law enforcement agency na palakasin ang kampanya laban sa mga umaabuso sa mga kabataan.
Ikinabahala kasi ng pangulo ang online sexual abuse o exploitation of children at child sexual abuse o exploitation materials sa bansa, partikular na sa Cagayan De Oro, Iligan at sa Taguig City.
Tiniyak naman ng Philippine National Police na gagawin ang lahat ng paraan para matukoy ang mga nagpapatakbo ng ilegal na gawain na ito kahit na may hamon sa paggamit ng teknolohiya.
Tags: Child Online Abuse, DILG, PBBM