Walang problema sa Philippine National Police kung isasama sa kanilang mga anti-illegal drugs operation ang miyembro ng media. Ito ay matapos na ipag-utos mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na magdala ng media o paunahin ang media sa lugar kung saan sila magsasagawa ng operasyon kontra iligal na droga.
Layon aniya nitong makuha ng media ang storya mula sa umpisa ng operasyon hanggang sa matapos upang maiwasan na ang isyung tinataniman ng baril ng mga pulis ang mga umanoy nanlabang suspek na nasasawi sa operasyon.
Naniniwala ang PNP na makatutulong ito na mapapabulaanan ang duda sa kanilang operasyon.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: anti-illegal drugs operation, media, PNP Chief Dela Rosa