Kakulangan sa suplay ng tubig sa Pilipinas, hindi katanggap katanggap – PBBM

by Radyo La Verdad | March 29, 2023 (Wednesday) | 3915

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na may nakalatag nang plano ang pamahalaan upang solusyunan ang banta ng water crisis.

Ayon sa pangulo , nagorganisa na sila ng Office of Water Management upang tugunan ang problema na ito.

Binigyang diin ni PBBM na kahit wala namang El Niño ay may problema talaga sa suplay ng tubig ang Pilipinas.

Hindi aniya ito katanggap tanggap at ang problemang ito ay inaaksyunan na ng administrasyon.

“So what we have come up with, well we have an overall plan in that we are changing the way that we acquire the supply of water and we are going to shift from the majority of water sources now, which is kumukuha tayo laging balon kinukuhanan natin, we always dig wells, whereas what really we should be doing is taking advantage of surface water” ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Tags: ,