METRO MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Commission on Higher Education (CHED) na agad na tugunan ang kakulangan ng mga nurses sa bansa dahil sa migration.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pulong kasama ang mga opisyal ng Private Sector Advisory Council Healthcare Sector Group.
Bilang tugon, sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera III na may ginagawa na silang hakbang para maparami ang mga nurse sa bansa.
Kabilang na ang retooling ng mga non board passers, pag-adopt ng nursing curriculum na may exit credentials at pagsasagawa ng exchange programs sa ibang bansa.
inaayos na rin aniya ng CHED ang flexible short-term masteral program para matugunan ang kakulangan ng mga instructors sa nursing and medical schools.
Sinabi naman ni Department of Health Officer-In-Charge Undersecretary Rosario Vergeire na pinag-aaralan na nila ang panukalang Magna Carta for Public Health Care Workers at Philippine Nursing Act.