Matapos magbitiw bilang mambabatas, pormal nang nanungkulan bilang bagong pinuno ng Department of Public Work and Highways si dating Las Piñas Congressman Mark Villar.
Ayon kay Sec. Villar, ituturing na golden age of infrastructure ang Duterte administration at sa ngayon may mga nakalinya nang mga proyekto na gagawin ng ahensya.
Nagbabala naman ang kalihim sa mga contractor ng government projects na hindi tinatapos sa takdang panahon ang kanilang mga proyekto.
Ayon sa kalihim, aggressive implementation ang magiging stratehiya sa pagsasagawa ng proyekto na nangangahulugang target nilang gawing 24/7 ang operasyon upang matapos agad ang mga trabaho.
Samantala, isasailalim naman sa performance audit ng kalihim ang mga tauhan at opisyal ng ahensya upang hindi maimpluwensyahan ng pulitika ang pagtatalaga ng mga dpwh officials sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Isa rin sa tututukan ng kalihim sa kagawaran ang pagsugpo sa kurapsyon batay na rin sa mandato ng pangulo.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)