Kahandaan ng mga taga-Metro Manila sa pagtama ng malakas na lindol, nasubukan sa isinagawang Metrowide Earthquake Drill

by Radyo La Verdad | July 30, 2015 (Thursday) | 5611

01 RESCUE
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa ang isang malawakang Earthquake Drill sa Metro Manila.

Tinatayang pitong milyong tao ang nakiisa kabilang na ang mga government offices, pribadong kumpanya, eskwelahan at mga motorista.

Nasubukan sa isinagawang drill ang kahandaan ng Metro Manila sa pagtama ng malakas na lindol.

Pagtunog ng sirena, lahat sabay sabay na isinagawa ang drop cover and hold, matapos ang 45 segundo sunod sunod ng umaksyon ang ibat ibang kawani ng pamahalaan kabilang ang mga rescue group.

Iba’t ibang senaryo ang isinagawa sa ibat ibang lugar sa buong Metro Manila.

Eksaktong alas dyes y media ng umaga ng magsimula ang Metrowide Earthquake drill, agad naman na deploy ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at gayundin ang mga choppers mula sa Armed Forces of the Philippines, isnasagawa ito upang mapaghandaan ang the big one o ang magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila

Nakakita naman ng ilang bagay na dapat pang ma-improve ang MMDA at Phivolcs

Ayon sa MMDA, dapat ay makapagsagawa rin ng drill sa ilang bayan na dinadaanan ng West Valley Fault, kabilang na ang Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Mahalaga na makapagsagawa rin ng malawakang drill upang makita ang kahandaan ng bawat isa.

Nagka problema naman sa komunikasyon habang isinagawa ang drill.

Ayon sa Phivolcs isa sa pinakamahalaga ang komunikasyon kapag nagkaroon ng kalamidad

Bukod dito, tinignan rin ng Department of Public Works and Highways ang katatagan ng mga tulay at kalsada sa Metro Manila

Natapos na nila ang assessment at inirekomendang maayos sa lalong madaling panahon ang Lambingan, Guadalupe at Ayala Bridge

Sa kabuuan ay itinuring na matagumpay ang isinagawang Metrowide Earthquake Drill, nais ng MMDA na gawin ang drill minsan isang taon.

Tags: , , , ,