Kahalagahan ng Regional stability sa ekonomiya ng Asia-Pacific Region, ipinahayag ng Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | June 3, 2015 (Wednesday) | 1423

PNOY-9
Inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa Nikkei 21st International Conference on the Future of Asia ang kahalagahan ng Regional stability upang mapanitili ang paglago ng ekonomiya sa Asia-Pacific Region.

Ayon sa Pangulo lahat ay sumasangayon na masolusyunan ang issue sa pamamagitan ng mapayapang paraan sa ilalim ng International Law.

Ang Pilipinas ay sumusunod hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Sinabi pa ng Pangulo na isinusulong ng Philippine Government ang isang arbitration upang malinaw na matukoy ang bawat teritoryo at iginigiit ang mabilisang pagkakaroon ng konklusyon na naayon sa batas

Pinasalamatan din ng Pangulo ang bansang Japan sa naging suporta nito sa mga hakbangin ng gobyerno ng Pilipinas tungkol sa agawan sa teritoryo sa China.

Pangunahing layunin ng State Visit ng Pangulo ay ang pakikipagusap kay Prime Minister Abe para sa pagpapa-ibayo pa ng ugnayang panseguridad ng Pilipinas at Japan.

Kabilang na rito ang mga usapin sa Maritime Disputes sa West Philippine Sea at iba pang bilateral issues.

Tags: ,