Pormal nang tinanggap ni Associate Justice Diosdado Peralta ang nominasyon bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.
Si Peralta ang ikalawang mahistradong tumanggap ng nominasyon matapos ni Justice Lucas Bersamin.
Itinalaga si Peralta bilang mahistrado ng SC ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo noong 2009.
Halos isang taon lamang ang nakalilipas mula ng maitalaga bilang presiding judge ng Sandiganbayan. Naging huwes din ito sa Quezon City RTC Branch 95 noong 1994.
Taong 1987 nang magsimulang maging 3rd assistant fiscal sa Laoag City bago lumipat sa Manila Prosecutor’s Office noong 1988.
Isa si Peralta sa mga mahistrado na bumoto pabor sa constitutionality ng martial law sa Mindanao at pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Tags: Justice Lucas Bersamin, Justice Peralta, Supreme Court