Jinggoy Estrada, itinanggi na may pag-uusap para gawin siyang testigo sa DAP case

by Radyo La Verdad | September 18, 2017 (Monday) | 3364

Itinanggi ni dating Senador Jinggoy Estrada na gagawin siyang testigo sa iligal na paggamit ng Disbursement Acceleration Program o DAP ng Aquino administration .

Una nang nagpahiwatig si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na maaring magamit na testigo si Estrada  sa maanomalyang  paggamit ng dap ng nakaraang administrasyon.

Noong 2013  sinabi ni Estrada sa senate hearing  na namigay ng DAP funds na nagkakahalaga ng  50 million pesos  ang dating Pangulo  para ma-impeach  si dating Chief Justice Renato Corona.

Samantala, hindi  natuloy ang pagdinig ng Sandiganbayan 5th Division ngayong araw sa plunder case ni Estrada dahil sa kawalan ng qourum .

Balak naman i-apela ng prosekusyon ang pagpayag ng korte na makapag bail si Estrada sa kasong plunder.

 

Tags: , ,