Dating Pangulong Aquino, nakaboto na

by Radyo La Verdad | May 14, 2018 (Monday) | 6823

Gaya noong mga nakaraang eleksyon, kasamang bumoto ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang dalawang kapatid na sina Ballsy at Pinky at pamilya nito.

Ngunit ngayong araw, mas mabilis silang natapos sa pagboto kung saan halos 5 minuto lamang ang kanilang itinagal sa loob ng presinto.

Inihalimbawa pa ng dating pangulo ang 2010 election kung saan nasira ang PCOS machine na nagging sanhi ng antala sa kanila ng 4 na oras.

Noong 2016 national election naman, umabot ng 30 minuto ang pila bago sila naka boto.

Samantala, may ilang reklamo ang naitala matapos maalaman sa Barangay Central na may isang kandidato umano ang nagtagal sa presinto at umaalalay sa kanyang mga botante.

Kapansin-pansin din ang pamimigay ng mga liflets sa loob ng paaralan.

 

( Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent )

Tags: , ,