METRO MANILA – Tiniyak ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa special session ng 19th Congress nitong Sabado November 4 ang patuloy na suporta ng Japan sa economic at social development ng Pilipinas.
Kabilang sa assistance ng Japan sa Pilipinas ay ang kauna-unahang subway system kung saan sinabi ng prime minister na proud ito na maging bahagi ang kanyang bansa sa nasabing proyekto.
Dagdag pa nito, kumpara sa mga nakalipas na panahon, mas maigting ngayon ang ugnayan ng Japan at Pilipinas.
Binigyang-diin ng Japanese Premier ang Foreign Policy ng kaniyang bansa na pagtibayin pa ang ugnayan nito sa Pilipinas at ASEAN.
Muli ring iginiit ni Kishida ang commitment ng Japan upang mapanatili at mapatatag ang free at open international order batay sa rule of law.
Nabanggit din nito ang commitment na paigtingin ang kooperasyon ng 2 bansa sa isyu ng climate change, proteksyon sa maritime order at freedom of the sea.