Dapat na sundin ng Pilipinas at China ang naging hatol ng United Nations Arbitral Tribunal kaugnay ng sea dispute sa West Philippine Sea.
Sa inilabas na joint statement nina Japan Foreign Minister Taro Kono, Australian Foreign Minister Julie Bishop at United States Secretary of State Rex Tillerson matapos ang kanilang trilateral meeting sa PICC kagabi.
Sinabi ng mga ito na pinal at legally binding ang desisyon ng tribunal na pumapabor sa claim ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo. Dagdag pa ng mga ito, tutol sila sa unilateral actions at militarization sa disputed territory na pinagmumulan umano ng destabilisasyon sa Asean countries.
Nanindigan naman ang Department of Foreign Affairs sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu.
Samantala, pinupursige rin ng tatlong ministers ang China at Asean countries na agad isapinal ang code of conduct sa South China Sea.
(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)