Inaprubahan kagabi ng Sandiganbayan ang paglipat ni pork barrel scam suspect Janet Lim Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong city, alinsunod sa ipinalabas na commitment order mula sa Makati City Regional Trial Court.
Mula sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, inilipat ito sa nabanggit na correctional institution kaninang alas-2:00 ng madaling araw.
Si Napoles ay hinatulan ng guilty ng Makati RTC sa kasong serious illegal detention at nakatakdang makulong ng hanggang 40 taon.
Dahil sinentensyahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang pork barrel suspect, sasailalim ito sa automatic review ng Korte Suprema bago ilabas ang pinal na decision sa kaso.
Ang kautusan na ilipat si Napoles ng kulungan ay dininig kagabi ng Sandiganbayan Third Division na pinangungunahan ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang bunsod ng mosyon na inihain ng Bureau of Jail Management and Penology.
Dahil sa naturang kautusan, lahat ng bail hearings ay gagawin na sa loob ng koreksyunal, alinsunod sa naunang kautusan ng Korte Suprema
Tags: correctional, Janet Lim Napoles, Korte Suprema, Makati RTC, serious illegal detention, Supreme Court