Isinailalim na state of calamity ang mga bayan ng Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija bunsod ng pagkakaroon ng Avian flu outbreak.
Ayon kay Governor Czarina Umali, ginawa nila ang naturang hakbang upang mas mapabilis ang pag-contain sa virus at magamit ang calamity fund para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhang poultry farm.
Mahigpit na rin aniya ang koordinasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Veterinary Office at Local Health Officials sa national level agencies upang maiwasan na ang pagkalat nito sa iba pang bayan.
Noong Linggo ay inumpisahan na ng Department of Agriculture ang culling operation sa mga poultry sa lugar na inaasahang tatagal ng sampung araw.
Tags: avian flu outbreak, Jaen at San Isidro Nueva Ecija, state of calamity