Itinerary ng State Visit ng Emperor at Empress ng Japan sa bansa, inilabas na ng Malacañang

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 1347

JERICO_COLOMA
Inilabas na ng Malacañang ang itinerary ng state visit ni Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko sa Pilipinas sa January 26 hanggang 30.

“The Philippines is pleased to welcome Their Majesties, the Emperor and Empress of Japan, to a State Visit to the Philippines on 26 to 30 January 2016. Their Majesties’ State Visit is a major highlight and fitting start to the 60th anniversary of the establishment of diplomatic relations of the Philippines and Japan”. pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Base sa schedule na inilabas ng Malacañang, sa January 26 ang arrival ng dalawa sa Maynila.

January 27 to 28 naman ay magsasagawa ito ng mga aktibidad kaugnay ng state visit nito sa Pilipinas.

Sa January 29 ay bibisita ito sa Caliraya at Los Baños sa Laguna.

Sa January 30 naman ang departure nito patungong Tokyo Japan.

Taong 1962 pa nang unang dumalaw ang dalawa na noo’y Crown Prince at Princess pa ang mga ito.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,