Italian postman, arestado dahil sa hindi pagdadala ng mga sulat mula pa noong 2010

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 2461

Sa panahon ngayon na fast-paced na ang buhay sa mundo,  hindi na rin masyado uso ang pagpapadala ng liham sa pamamagitan koreo na dinanadala ng mga kartero, ngunit may mangilan-ngilan pa rin na ginagamit ang paraang ito tulad ng ating tampok na kwento ngayon.

Mahigit kalahating tonelada ng mga sulat, bills, bank  statements at electoral pamphlets ang nasamsam ng Italian police  sa Nothern town of Vicenza sa isang kartero  o postman na hindi nagdadala ng mga sulat sa loob ng mahigit pitong taon.

Nahuli ang postman nang maglinis ang ilang emplayado ng isang recycling plant sa garahe nito at dito nakita ang kwarenta y tres na malalaking plastic containers na puno ng mga sulat.

Ayon sa mga pulis, ito ang pinakamalaking bilang ng mga sulat na hindi naipadala na na-encounter nila sa kanilang bansa.

Ipinangako naman ng Vicenza Postal Service na ipapadala nila ang lahat ng mga sulat sa kabila ng maraming taon na ang lumipas.

Tags: , ,