Isyu sa SALN, mabigat na ebidensyang magagamit kay CJ Sereno

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 3267

Hindi nagsumite ng kumpletong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong siya ay nag-aaply palang bilang punong mahistrado noong 2012.

Ito ang natuklasan sa pagpapatuloy ng impeachment hearing sa Kamara kahapon.

Dito inamin ni Judicial and Bar Council Executive Officer Annaliza Capacite na 3 lang sa 10 SALN requirement ang sinumite ni Sereno.

Sa kabila nito, nakapasok pa ang pangalan ni Sereno sa JBC short list. Dahil dito, nakita ng mga miyembro ng kumite na mabigat na basehan sa impeahcment complaint ang isyung ito ng hindi pagsusumite ni Sereno ng SALN.

Dismayado naman si dating JBC En Banc Chairman Justice Diosdado Peralta sa nalaman. Aniya hindi pinaalam sa kanya na hindi kumpleto ang requirement na isinumite si Sereno.

Dahil kung nalaman niya ito, siya mismo ang nag-alis sa pangalan ni Sereno sa listahan.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,