Isyu sa Mamasapano Incident, wala nang dapat pagusapan ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 2217

JERICO_LACIERDA
Wala nang nakikitang usapin ang Malacañang sa Mamasapano incident na dapat pang pagusapan pagkatapos ng ipinatawag na Senate hearing ni Senator Juan Ponce Enrile hinggil dito.

Reaksiyon ito ng Malacañang sa hamon ni Senator Juan Ponce Enrile na public debate kay Pangulong Aquino at mga mga tagapagsalita nito kaugnay ng Mamasapano Incident.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, nasagot na aniya sa naturang pagdinig ang lahat ng katanungan ng mga senador.

Maging ang mga ipinatawag na resource persons ay nagbigay na rin ng kanilang panig.

“Perhaps, the results of the Senate reopening of the Mamasapano should speak for itself.” Ani Lacierda.

Ayon naman kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mas mainam aniyang pagtuunan na lang ng pansin kung paano mapapanatili ang mga repormang umani ng respeto at paghanga sa global community.

Ani Coloma, nabigyan din ng pagkakataon si Enrile na iprisinta ang kaso nito sa katatapos na pagdinig kahit sinabi pa nito na mayroong bagong impormasyon itong ilalabas.

“Senator Enrile has had the opportunity to present his case. It is best that our people focus their energies instead on how to sustain the momentum of our reform and transformation efforts that have gained the respect and admiration of the global community.” Ani Coloma.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na nakatulong ang katatapos na pagdinig sa Senado upang patunayang walang pananagutan si Pangulong Aquino sa Oplan Exodus na ikinasawi ng 44 na tauhan ng PNP Special Action Force.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: ,