Isyu ng replacement ballot, pinarereview ng isang COMELEC Commissioner

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 4045

COMELEC-CHAIRMAN-ANDRES-BAUTISTA
Nagpahayag ng pagnanais si COMELEC Commissioner Sheriff Abas na muling pag-aralan ng ahensiya ang resolution number 10088 o ang amended general instructions sa mga Board of Election Inspectors.

Ayon kay Abas kabilang dito ang pagbibigay ng replacement ballots sa mga botante dahil baka kulangin ang balota at magresulta sa disenfranchisement ng mga botante.

Ipinagtanggol naman ni COMELEC Chairman Andres Bautista ang kaniyang panukala para sa pagbibigay ng replacement ballot.

Kinuwestyon din ni Abas ang isa pang probisyon sa resolution 10088 na ituring na election offense ang paghahain ng frivolous complaints dahil kulang ang basehan sa batas.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: , ,